Sitio Libis, Brgy. San Vicente Relief Operations
Nagpamigay ng relief goods ang komunidad ng Divina Pastora College para sa mga kapatid nating nasalanta ng Bagyong Karding. Ang unang batch ng 220 relief packs ay ipinamahagi sa mga residente ng Sitio Libis, Brgy. San Vicente, Gapan City. Magkakaroon pa ng pangalawang batch ng relief operations. Maraming salamat sa lahat ng mga mag-aaral, kawani, magulang, alumni, at mga kaibigan na bukas-palad na tumulong sa ating relief operations. Kasihan nawa ng butihing Panginoon ang inyong mga pamilya.







