top of page

Inang Divina Pastora, Ina ng mga Divinians!

Writer: Fr. Jose Salvador DC. MallariFr. Jose Salvador DC. Mallari

Sa kada araw na pagpasok sa paaralan, matatanaw mula sa durungawan ng simbahan ang iyong mapagkumbabang tindig at mga matang tumatawag na kami'y manalangin. Sa kada araw ng pagkatuto at paglilingkod, Iyong pamamagitan, Iyong panalangin, Iyong presensya ang sa ami'y nagpapalakas, sa kabila ng mga maliit ma't malaking balakid.

Batid namin na Ika'y daan ng kagalingan mula sa karamdaman at kawalan ng pag-asa, at ito ang patuloy naming mutawi, na kami'y iadya mula sa masama at itulot sa mabuting landas.

Animnapu't limang taon na ang Inang Paaralan na ipinangalan sa Iyo, Ikaw na Reynang Pintakasi ng Gitnang Luzon sa maraming dantaon. Aming itutuloy ang debosyon sa iyo sa pamamagitan ng pagpapatotoo, pagiging halimbawa, at pagpapaunlad ng kakayahan.

Sa kada yugto ng aming buhay-Divinian, Ikaw ay nariyan, pumapastol, nangangalaga, halimbawa sa Iyong Anak na aming Tagapagligtas.

Ikaw ang Ina naming mga Divinians, Ina ng Gapan, Ina ng lahat, Inang Divina Pastora!



 
 
 

Comments


DSC08136_edited.jpg

DATA PRIVACY STATEMENT

 

 

Divina Pastora College abides by Republic Act No. 10173,

which is also referred to as the Data Privacy Act of 2012.

 

Your data that we collect is kept private and is stored in a confidential file that only authorized individuals can access. With the exception of situations when it is required by law, no third party will get your personal information without your consent.

 

If there are concerns regarding the processing of your data,

please contact the Data Protection Officer through email address dataprotectionofficer@dpc.edu.ph.

Contactus

Finance Office: (044) 486-0569
Registrar's Office: (044) 486-6949
Dean's Office: (044) 951-4885
Principal's Office: (044) 486-0234
Guidance Office: 0997-577-7966/0967-123-9031

Divina Pastora College
Malgapo St., San Vicente, Gapan City 3105

bottom of page