top of page

DPC Relief goods

NOVEMBER 14, 2022 | Nakapaghatid at nakapagpamahagi ang Divina Pastora College ng 125 packs of goods sa mga residente ng Sitio Bibit at Sitio Sapang Kawayan, Brgy. Macabaklay, Gapan City. Ito ay bunga ng ating sama-samang pagtutulungan at pagbibigayan. Lubos din po kaming nagpapasalamat kay Mrs. Fanny Rose Aviles, St. Joseph Elementary School Principal, na siyang naging aming katuwang sa pagbabahagi ng mga goods sa mga residente. Gayundin sa pamunuan ng Sapang Kawayan Elementary School sa pangunguna ni Mrs. Ma. Cristina Manalaysay, ang punong-guro ng SKES.

Maraming salamat sa lahat ng mga mag-aaral, kawani, magulang, alumni, at mga kaibigan na bukas-palad na tumulong sa ating programa. Kasihan nawa ng butihing Panginoon ang inyong mga pamilya.


























6 views0 comments

Comments


bottom of page